Ang kabuluhan ng komuna ng Paris ng 1871 at ang kanyang kaugnayan sa pandaigdigang rebolusyong proletaryo

Sa rebolusyonaryong diwa ng Komuna ng Paris ng 1871, mangahas akong magsabi na ang kasalukuyang mga pakikibakang masa ay transisyon sa malakihang muling pagsulong ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo mula sa mga mayor na pag-atras dahil sa rebisyunistang kataksilan sa adhikaing sosyalista. Hindi kailanman matatanggap ng proletaryado at mamamayan ang papatinding pagsasamantala at pang-aapi sa kanila. […]