Hinggil sa malapyudalismo

JMS: Mali si Popoy Lagman at mga sumusunod sa kanya na ipalagay na industriyal na kapitalista na ang Pilipinas para salungatin ang katangian ng lipunan ng Pilipinas bilang malakolonyal at malapyudal at lumihis sa pangkalahatang programa ng demokratikong rebolusyon ng bayan sa pamamagitan ng estratehikong linya ng matagalang digmang bayan at itaguyod ang insureksyonismo sa […]

Mga katanungan hinggil sa syentipikong sosyalismo

Batay sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari sa daigdig, tulad ng pag-alsa ng masang anakpawis sa buong daigdig laban sa imperyalismo at reaksyon, paglaban ng ilang independyenteng bansa sa imperyalismo at tunggalian ng mga imperyalistang poder mismo, malaki ang aking tiwala na sa panahon na panalo ang demokratikong rebolusyon ng bayan, makakayanan ng sambayanang Pilipino na labanan at pangibabawan ang blokeyo na ipapataw ng imperyalismong US.