Mga katanungan hinggil sa syentipikong sosyalismo

Batay sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari sa daigdig, tulad ng pag-alsa ng masang anakpawis sa buong daigdig laban sa imperyalismo at reaksyon, paglaban ng ilang independyenteng bansa sa imperyalismo at tunggalian ng mga imperyalistang poder mismo, malaki ang aking tiwala na sa panahon na panalo ang demokratikong rebolusyon ng bayan, makakayanan ng sambayanang Pilipino na labanan at pangibabawan ang blokeyo na ipapataw ng imperyalismong US.