Ang kabuluhan ng komuna ng Paris ng 1871 at ang kanyang kaugnayan sa pandaigdigang rebolusyong proletaryo

Sa rebolusyonaryong diwa ng Komuna ng Paris ng 1871, mangahas akong magsabi na ang kasalukuyang mga pakikibakang masa ay transisyon sa malakihang muling pagsulong ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo mula sa mga mayor na pag-atras dahil sa rebisyunistang kataksilan sa adhikaing sosyalista. Hindi kailanman matatanggap ng proletaryado at mamamayan ang papatinding pagsasamantala at pang-aapi sa kanila. […]

Ipagbunyi ang ika-25 anibersaryo ng Gabriela youth! Isulong ang pakikibaka ng kabataang kababaihan

Mensahe sa Gabriela Youthni Prof. Jose Maria SisonEmeritus Tagapangulo, International League of PeoplesĀ“ Struggle13 Disyembre 2019 Mahal na kapwa aktibista, Malugod akong nagpapaabot ng pagbati at pakikiisa sa okasyon ng ika-25 anibersaryo at Ikatlong Kongreso ng Gabriela Youth. Sumasaludo ako sa inyo dahil sa inyong matatag at militanteng pagsisikap at pakikibaka, mga sakripisyo at mga […]

Patuloy na bisa at sigla ng Marxismo

Muli tayong gumagawa ng kritika ng kapitalismo at monopolyo kapitalismo at nagsisikap na muling pasiglahin ang rebolusyonaryong kilusan ng proletaryado at mamamayan upang wakasan ang hinantungang pagkahalimaw ng monopolyo kapitalismo at kamtin ang sosyalismo bilang paghahanda sa komunismo. Tulad ng idinidiin sa atin noon ni Marx, ang punto ay baguhin ang mundo

Mensahe sa Lakbayan ng Visayas 2017: Pagbalikwas sa Kagutuman at Pasismo

Nasisiyahan din ako na ipagbubunyi ninyo ang ika-100 anibersaryo ng Rebolusyong Oktubre sa balangkas ng pandaigdigang pagdiriwang sa inisyatiba ng International League of Peoples“ Struggle. May kaugnayan ito sa Lakbayan ng Visayas 2017 sapagkat pinatutunayan ng Rebolusyong Oktubre na ang panlipunang pagpapalaya ay nakakamit batay sa alyansa ng manggagawa at magsasaka. Nahawan ang daan para sa tagumpay ng rebolusyon sa pamamagitan ng mga kilos protesta ng masa laban sa kagutuman at panunupil ng estado.

PAGBATI SA PAMANTIK-KMU SA IKA-10 KONGRESO NITO

Kapuri-puri ang mayamang karanasan at mga tagumpay ninyo sa pakikibaka upang ipagtanggol ang mga demokratikong karapatan ng mga manggagawa, itaguyod ang tunay, militante, at anti-imperyalistang unyonismo, at upang kamtin ang tunay na kalayaan, kasarinlan ng bansa at ganap na demokrasya.

PALAKASIN ANG LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS, LABANAN AT GAPIIN ANG REHIMENG US-DUTERTE

Angkop na buksan ninyo ang selebrasyon sa pamamagitan ng mobilisasyon sa harap ng US embassy sa Setyembre 11, at sa gabi nito naman may mga kultural na pagtatanghal kasama ang mga pambansang minorya sa Lakbayan 2017. At magtipon ang mga alumni para magbahaginan ng mga karanasan at aral. Mahalagang sa Setyembre 12 ilulunsad ninyo ang mga propaganda workshop at usapin tungkol sa K-12 program at ang pagsasanay sa pagsusulat, pagtalumpati at propagandang biswal.